Ipinahiya Siya Dahil sa Pagiging Isang Solong Ina | City Servants

 Ipinahiya Siya Dahil sa Pagiging Isang Solong Ina | City Servants


Miyembro ng isang basketball team si Jake na Grade 7 Junior High School na ngayon. Ito ang nag-iisang anak ni Rina. Kada katapusan ng Linggo ay mayroon silang ensayo upang pag handaan ang mga kompetisyon laban sa iba't ibang Eskwelahan mula sa iba pang mga lugar.





Dahil isang beses lamang kada linggo ang kanilang nagiging ensayo, hinihikayat rin ang presensya o ang suporta ng kanilang magulang sa bawat aktibidad na kanilang ginagawa. Naging suportado naman ang bawat magulang sa suhestiyong ito kung kaya't kada ensayo ng mga bata ay sinasamahan sila ng kanilang mga Ina.

Pangalawang linggo ng practice ay nahuli na ng 30 minutes si Jake sa tamang oras ng kanilang ensayo kung kaya't hinahanap na siya ng kanyang Coach.

"Mrs. Vasquez nakita niyo ba si Jake? Tatlong pung minuto na kasi siyang late sa practice." Wika ng Coach sa isang nanay na naroon rin.

"Ano pa bang aasahan mo sa batang yun? Nung nakaraang linggo ay nahuli rin siya hindi ba?"  Sagot ni Ginang Vasquez.

Umiling na lamang ang kanilang Coach.

Ilang minuto pa ay dumating ang mag-inang Jake at Rina. Humingi ng paumanhin si Rina sa pagiging late nilang mag-ina sa ensayo ng kanyang anak.

"Sige na Jake magsimula ka ng mag warm up" Utos ng Coach sa kararating na si Jake.



Kinausap ni Coach si Rina.

"Mrs. De Guzman, magaling na manlalaro si Jake. Pero kung patuloy siya sa ganitong gawain ay maaari siyang hindi makasama sa susunod na malaking laro." Pag papaalala ng Coach ni Jake.

"Pasensya na talaga Coach, hayaan niyo po at hindi na po ulit ito mangyayari." Sagot ni Rina.

Nang makaalis ang Coach para tutukan ang mga bata, umupo na si Rina sa isang bench. Saka naman lumapit si Mrs. Vasquez kay Rina.



"Hindi ba't ito na ang pangalawang beses na nahuli ang iyong anak?" Pag-uusisang tanong ni Mrs. Vasquez.

"Haay oo nga eh, ang hirap kasing balansehin ang aking trabaho at ang pagiging solong Ina." Sagot ni Rina sa tanong ni Mrs. Vasquez.

"Wala kang asawa na makakatulong sa'yo?" Tanong ni Mrs. Vasquez

"Oo, ako lang. Ako lang ang nagtataguyod kay Jake." Pagmamalaking tugon ni Rina.

"Single mom ka? Grabe nakakahiya!" Biglang wika ni Mrs. Vasquez kay Rina.

"Huh? Anong sabi mo?" Naguguluhang si Rina.

"Alam naman ng lahat na kailangan ng bata ang isang Ina at Ama para maging successful ang mga ito hindi ba?" Pagpapaliwanag ni Mrs. Vasquez

Hindi makapaniwala si Rina sa kanyang mga narinig mula sa Ginang na ito.

"Ang ibig kong sabihin, napatunayan na kalimitan sa mga anak ng solong magulang ay nagiging tambay lamang." Muling pahayag ni Mrs. Vasquez

"Salamat sa concern mo Mrs. Vasquez, pero hinding hindi yan mangyayari sa anak ko. Magiging okay ang buhay ng anak ko." Sagot ni Rina sa pang-iinsulto ni Mrs. Vasquez.

"Hindi mo kailangang maging defensive Mrs. De Guzman. Sinasabi ko lang ang mga kadalasang nangyayari." Nang-aasar na wika muli ng Ginang.

"Pagmasdan mo ang mga ibang bata dito na sinusuportahan at tinutulungan ng kanilang mga tatay. Samantalang ang anak mo? Walang tatay na magtuturo sa kanya. Kung kaya't hindi kailanman magiging magaling na manlalaro ang iyong anak." Muling hirit ni Mrs. Vasquez




Magsasalita muli sana si Rina para depensahan ang anak at kanyang sarili ng biglang nagsalita ang anak ni Mrs. Vasquez.

"Ma tignan mo ang bago kong natutunang tricks mula kay Papa." Masayang wika ni Josh anak ni Mrs. Vasquez.

"Magaling anak. Sige bumalik ka na doon at ipagpatuloy mo ang pag eensayo kasama ang Papa mo." Wika ni Mrs. Vasquez sa kanyang anak ngunit may diin ito sa kanyang huling kataga na kanyang sinadya upang marinig ni Rina.

"Ngayon Rina anong tricks ang alam ng anak mo?" Nakakalokong tanong ni Mrs. Vasquez sabay tawa.

Hind na nakakibo si Rina sa mga sinabi ng Ginang sa kanya, naiinis man ay hinayaan na lamang niya ito at piniling huwag itong patulan.

Maliban sa pagiging manlalaro ni Jake ay sumali rin ito sa iba pang aktibidad sa kanilang Eskwelahan kasama na rito ang gaganaping Student Debate sa kanilang paaralan.



"Pasensya na anak kung hindi perfect sayo yang damit na nakuha ko. Pero mukhang maayos naman na ito." Hinging paumanhin ni Rina kay Jake.

"Wala yun ma, maraming salamat parin sa effort mo." Pagpapasalamat nito sa kanyang Ina bago magtungo sa backstage.

Samantalang napansin pala sila ni Mrs. Vasquez na naroon rin kasama ang kanyang anak na si Josh at asawa nito.

Lumapit siya kay Rina ng umalis ang anak nitong si Jake.

"Hindi ko alam na kasali rin pala dito si Jake, pero bakit parang ang laki ata sa kanya ng suot niyang polo?" Bungad na wika ni Mrs. Vasquez

"Ah oo kasasali lamang kasi niya, pero masayang masaya siya at excited sa tournament na mangyayari ngayon. At kung tungkol sa kanyang damit naman ang iyong tinatanong, binili ko yun sa ukay ukay. Medyo mahirap kasing makahanap ng size na sasakto sa kanya." Mahinahong sagot ni Rina kahit alam niyang may pagkasarkastiko ang mga pahayag sa kanya ni Mrs. Vasquez.

"Ano? Binilhan mo ang anak mo ng luma at gamit ng damit? Sobrang nakakalungkot naman niyan! At bakit ganun ang kanyang neck tie?" Patuloy na pangungutya ni Mrs. Vasquez kay Rina.

"Alam mo hindi ko kailangan ng mga pangungutya mo sa aking anak at kung paano ako maging magulang sa kanya. Masyado ng mahirap ang maging solong magulang huwag mo ng dagdagan pa okay?" Lakas loob na sagot ni Rina.

"Hmm okay fine." Natatawang sagot ni Mrs. Vasquez

"Ang sinasabi ko lamang ay kung merong Tatay si Jake ay mayroon sana siyang maayos na polo at neck tie." Muling hirit ni ng Ginang kay Rina.

"Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo ngayon huh?" Naiinis ng sagot ni Rina

"Subukan mong tumingin sa iyong paligid. Tignan mo ang mga tatay na naritong tumutulong sa kanilang mga anak. At saka mo tignan ang iyong anak na wala man lang tumutulong na mag prepare. Wala hindi ba? Kung kaya't hindi niya kakayaning makipag paligsahan sa mga ibang bata na narito."  Mga wikang patutyada ni Mrs. Vasquez kay Rina.

"Alam mo napapagod na ako sa usapang ito-" Putol na wika ni Rina

"Nagsasabi lang ako ng totoo! Sabagay truth hurts." Sambit ni Mrs. Vasquez sabay talikod kay Rina.



Nagtatrabaho si Rina bilang isang waitres. Nang isang araw ay naging customer nila si Mrs. Vasquez at pamilya nito.

"Oh! Rina, ang cute ng uniform mo huh!" Tumatawang bati ni Mrs. Vasquez sa kanya.

"Hindi ko alam na nagtatrabaho ka pala dito! Sinong kasama at nagbabantay kay Jake?" Pag-uusisa na naman ni Mrs. Vasquez

Kinalma ni Rina ang sarili bago saguttin ang Ginang na nasa kanyang harapan.

"Isinasama ko dito si Jake sa tuwing may trabaho ako at andun siya sa may lamesa roon." Sagot ni Rina sabay turo sa kanyang anak na si Jake.

Sinundan ng tingin ni Mrs. Vasquez ang itinuro ni Rina.

"Kawawang bata. Ginugugol niya ang kanyang weekend dito sa restaurant para lamang panuorin kang magtrabaho?" Wikang muli nito.

"Sa totoo niyan ay ayos lang sa kanya sa katunayan ay nakatutulong iyan sa kanya para matapos niya agad ang kanyang mga assignment." Paliwamag ni Rina sa kausap.

"Haay kawawa talaga siya, wala man lang tumutulong sa kanyang gawin pati mga assignments niya. Ang asawa ko ay parating tinitulungan ang anak kong si Josh sa kahit anong gawain nito kung kaya't nagkakaroon ng mataas na grado ang anak ko." Pagmamalaki nito kay Rina.

"Maganda kung ganoon, masaya ako para sayo! Mawalang galang na pero kailangan ko ng bumalik sa ginagawa ko." Maikling pahayag ni Rina upang matapos na ang kanilang pag-uusap.

Ngunit muli siyang pinigilan ni Mrs. Vasquez.

"Teka lang, pero alam mo sigurado akong ang anak ko ang makakakuha ng pinakamataas na marka sa pagtatapos ng klase ngayong taon sa kanilang klase. Sobrang proud ako sa anak ko." Muling pagmamalaki ng Ginang sa kanyang anak.

"Oo nga pala, anong klase mga grades ba ang nakukuha ni Jake sa klase? Ibig kong sabihin, dahil alam nating wala siyang Tatay-" 

Hindi natapos ni Mrs. Vasquez ang kanyang sasabihin ng tuluyan ng maubos ang pasensya sa kanya ni Rina at tuluyan na itong magalit.

"Seryoso ka ba? Tumigil ka na sa pagkokomento tungkol sa pagiging solong magulang ko! Hindi ng dahil sa wala siyang Ama ay hindi na siya magiging matagumpay." Galit na saad ni Rina sa kausap.




"Ito ang masasabi ko sayo, nung malaman kong buntis ako 12 years ago, yun ang pinakamasayang araw sa buhay ko hanggang sa sinabi ko sa asawa ko ngunit ayaw niyang magkaroon ng anak o kahit anong responsibilidad. Kung kaya't ng mga oras ding iyon ay iniwan niya ako at ang pinagbubuntis ko noong si Jake! Matapos kong maipanganak ng maayos si Jake, ipinangako ko sa anak ko na kahit gaano kahirap ang mag-isa magiging mabuti akong Ina sa abot ng aking makakaya para sa kanya. Habang lumalaki siya, kahit na parati akong pagod sa oras na umuuwi ako galing trabaho hindi iyon nagiging dahilan para mawalan ako ng oras asikasuhin ang mga pangangailangan niya. At kahit na hindi ko siya kayang bilhan ng bagong polo at hindi mailagay sa kanya ng ayos ang kanyang necktie, sinisigurado kong matulungan siyang mag prepare para sa lahat ng kanyang gustong gawin sa buhay. Alam ko hindi mainam para kay Jake na hintayin pa ako habang nasa trabaho pero sa tuwing may pagkakataon ako ay tinutulungan ko siyang pag-aralan ang kanyang mga gawain para maging matagumpay siya hanggat maaari kahit na wala siyang Ama na tutulong sa kanya."

"Kaya kung makikita mo kahit na wala akong katuwang sa pag-aasikaso sa anak ko ibinibigay ko sa kanya ng doble ang pagmamahal ko dahil yung lang ang mahalaga." Mahabang pagsasadula ni Rina sa totoong nangyari sa kanilang mag-ina.

Ngunit tinawanan lamang ito ni Mrs. Vasquez. Hindi makapaniwala si Rina sa inasta ng kaharap pagkatapos ng kanyang buong pagsasadula ng kanyang mga naranasan.

"Yan ang pinaka walang kwenta na narinig kong kwento. Pero kung yan ang sa tingin mong makakapag pagaan ng nararamdaman mo, paulit ulit mo na lamang sabihin yan sa sarili mo. Okay Rina?" Komento ni Mrs.Vasquez sabay muling tawa nito.

Naputol ang kanilang usapan ng may tumawag na ibang customer kay Rina.

"Oh tinatawag ka na dun, kailangan mo na yatang kuhanin ang mga madudumi nilang mga plato." Huling wika sa kanya ni Mrs.Vasquez bago ito tuluyang lubayan siya.

Napatayo na lamang si Rina na masama ang loob kaugnay sa mga sinabi sa kanya ng kausap. Pero alam niya sa kanyang sarili na kaya niyang patunayan na mali ang lahat ng mga sinabi nito.

Sa sumunod na Linggo, ito ang araw ng basketball tourament na kabilang ang kanilang mga anak. Pantay ang mga iskor ng team ng kanilang mga anak laban sa kabilang team. Naagawan ng bola ang anak ni Mrs.Vasquez at ang alam ng lahat na hindi na mananalo ang kanilang grupo ng biglang sumulpot si Jake para muling bawiin ang bola mula sa kalaban. Tumakbo siya papalapit sa ring at matagumpayan ang pagkuha ng puntos na makakapag papanalo ng kanilang grupo. Masaya ang lahat sa ginawang ito ni Jake para sa kanyang grupo maliban kay Mrs. Vasquez.

At sa Debate Competition naman na sumunod ay tuwang tuwa sina Mr. and Mrs. Vasquez sa ipinamalas na kagalingan ni Josh at sigurado sila ito na ang mananalo ngunit ng ibibigay na ng Teacher ang trophy para sa napiling nagwagi ay nilagpasan lamang nito ang kanilang anak na si Josh at ibinigay ito sa anak ni Rina na si Jake na nagbigay raw ng may pinakamagandang speech. Sobrang tuwa ang naramdaman ng mag-ina samantalang si Mrs.Vasquez ay hindi makapaniwala sa nangyari.




Makalipas ang ilang Linggo ay binisita ni Mrs.Vasquez si Rina sa pinagtatrabahuhan nito upang ipakita lamang at ipagmalaki kay Rina ang natanggap na mataas na grado ni Josh sa klase nito. 99/100 raw ang naging total percentage ng marka nito. Hindi makapaniwala si Rina sa inasta ni Mrs. Vasquez, pumunta ang Ginang roon upang ipagyabang lamang sa kanya ang grado ng anak nito.

"Sinabi ko na sayo si Josh ang magiging Top 1 sa klase niya." Pagmamalaki ni Mrs. Vasquez kay Rina.

"Masaya ako para sayo. Pero kailangan ko na talagang-

"Ma Ma! Nakalimutan kong sabihin sayo na nakuha ko na yung report card ko at.... nakakuha ako ng perfect sa lahat ng subject ko!" Masayang balita ni Jake sa kanyang Ina.

Hindi makapaniwala si Mrs. Vasquez sa hatid na balita ni Jake.

"Ano? Patingin nga niyan!" Wika ng Ginang sabay hablot sa report card ni Jake.

Dito niya nakita na 100 ang total percentage ni Jake. Labis itong nabigla at hindi makapaniwala.
Muling kinuha ni Rina pabalik sa kaniya ang report card ng anak.

"Tignan mo na, sinabi ko na sayo na maayos ang lahat ng kanyang ginagawa." Sagot ni Rina.

"Pero paano? Paano mo nagagawa iyon na walang tuloy ng isang Tatay?" Nagtatakang tanong ni Mrs. Vaasquez kay Jake.

"Hindi ko kailangan ng isang tatay. Mayroon akong isang Ina na kayang magbigay sa akin ng atensyon at pagmamahal na doble pa sa kayang ibigay ng iba. Yun ang mas mahalaga para sa akin." Sagot ni Jake.

Napaiyak si Rina sa sinabing ito ng kanyang anak sa kanya. Napalaki niya ng maayos ang anak kahit na wala siyang katuwang na asawa at magsilbing tatay para sa kaniyang anak.





Aral ng Kwento:

  • Kahit na ang mga solong magulang ay hindi makapagbigay ng buong oras sa kanilang mga anak dahil wala silang ibang katuwang sa pagtataguyod sa kanilang mga anak, kaya naman nilang bigyan ng doble dobleng pagmamahal ang kanilang mga anak. At ito lamang ang mahalaga sa pagiging magulang.



Post a Comment

0 Comments